110 kabataan ng Upi, Nanumpa sa Harap ni Mayor Piang!

youth officials
Nuro, Upi – Nanumpa nang katapatan nitong lunes sa harap ni Upi Mayor Ramon Piang ang isang daan at sampung (110) kabataan na bumubuo ng Upi Youth Officials at Special Program for Employment of Students o SPES pagkatapos ng Flag Ceremony sa gusali ng pamahalaan ng Upi.
Ang tatlumpu (30) sa 110 kabataan ay Youth Officials sa pangununa nina Youth mayor Maureen Intang at Youth vice mayor Ralph Darren Santillan kasama ang mga membru ng Youth Sangguniang Bayan na sina: Hamilyn Gullon, Bai Mikaela Muhaymin Sinsuat, Jon Rigo Tabudlo, Admir Salik, Sarah Jane Dimaocor, Ennah Mariz Pahati, Cairoden Mamantar, Princess Dawn Cariaso, Bradziz Suenan. Sila ay magsisilbi sa Upi bilang mga mamahala o mamumuno ng mga kabataang nasasakupan ng munisipyo.
Ang programang ito ng pamahalaan ng Upi para sa mga kabataan ay upang bigyan ng pagkakataon na maranasan nila ang pamamahala o pamumuno sa bayan at may matutunan sa bawat opisinang pinagluklukan. Ito ay tinatawag na Youth Governance at hinango sa karanasan at programa ni Jesee Robredo ang dating Kalihim ng DILG, noong siya ang mayor ng Naga City.
Ang pagpili sa mga LGU Upi Youth officials at SPES ay binase sa resulta ng written at oral examination.
Samantala, ang Special Program for Employment of Student (SPES) na walumpu (80) ay itinalaga sa ibat-ibang opisina, kung saan tatlumpu (30) ang Teduray, dalawampu’t lima (25) ang settlers at dalawampu’t lima (25) ang Bangsamoro. Ang mga kabataang ito ay makikipagtrabaho sa mga opinasina na pinamumunuan ng mga sumusunod: 1)Municipal Planning & Development Coordinator, Renato Mamaril; 2)Municipal Engineer- Ellen Diana Cortel; 3)Municipal Treasurer- Marielle Ann Bose; 4) Municipal Accountant -Julhainie Akmad; 5) Municipal Budget Officer – Roby Mae Andea; 6) Municipal Assesor – Harold Centillo; 7)Municipal Civil Registrar – Polychaida Gavilan; 8)General Sevices Officer – Irene Buscato; 9) Secretary to the Mayor- Raiza Mae Pablo; 10) E-Center Manager – Keron Parnan; 11) MDRRMO – Sadam Ulama; 12) DXUP Station Manager- Junambai Beto; 13)Human Resource Management Officer – Bai Nor Mamintal; 14)Business Development Center Manager – Beverly Mae Intoy;15)Upi Water System Manager – Kervin Germo; 16)Tourism Officer May Ann Grace Tenorio; 17) MENRO- Fellen Joy Magno; 18)Secretary to the Sanggunian- Jennifer Joyce Agustin; 19)SB Board Secretary- Aikko Jean Manuel at sa DXUP Teleradyo ay limang kabataan ang itinalaga na kinabibilangan nina Jinky Minted, Hanna Mae Kensal, Jenny Rose Bilaro, Jobert Dan Navales at Saudi Ibrahim.

(Balita nina: Noralyn Bilual at Alih S. Anso)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *