HWPL Peace Academy inilunsad sa CCSPC

HWPL Peace Academy inilunsad sa CCSPC

Cotabato City—Bumisita ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) na mula sa South Korea na pinangunahan ni Chairman Man Hee Lee at ang Nam Hee Kim, Chairperson ng International Women’s Peace Group (IWPG) kasama din ang grupo ng mga kabataan ang International Peace Youth Group (IPYG) sa Cotabato City State Polytechnic College (CCSPC) noong January 25, 2016.

Ang HWPL ay isang organisasyon na naghahangad ng kapayapaan na nakarehistro sa United Nations Department of Public Information.

Nauna ng pumunta sa MILF Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindnao ang HWPL sa ginanap na International Peace Summit na makasaysayang programa sa mga Bangsamoro noong Janaury 24.

Sa kanilang pagbisita sa CCSPC ay masaya silang sinalubong ng mga mag-aaral ng CCSPC kasama ang mga guro at empleyado nito na pinangungunahan ng kanilang pangulo Dr Dammang S. Bantala.

Lazada Philippines

Nagkaroon ng programa sa CCSPC Gymnasium.

Sinabi ni Chairman Lee na kahit 83-anyos na siya ay umiikot parin sa buong mundo upang ipalaganap ang kanyang taos pusong mensahe ng kapayapaan, siya ay naniniwala na ang susi ng kapayapaan ay ang edukasyon.

 “Ang mga kabataan ang pag-asa ng kinabukasan,   itigil na ang pag-aaway, ang kagustuhan ng panginoon ay ang pagkakaisa at magkaroon ng kapayapaan,” wika pa ni Lee.

Ang chairperson ng International Women’s Peace Group Chariwoman Kim, ay nagsisilbing modelo ng kapayapaan para sa mga  kababaihan sa pamamagitan at pagiging isang aktibong babae na nagpapalaganap ng kapayapaan. Ito ay nagtrabaho sa kapayapaan sa konsepto sa pag-ibig ng isang ina.

Natuwa si Kim dahil nakita niya ang mga kabataang estudyante ng ng CCSPC.

Nagpapasalamat si Kim kay Dr Bantala dahil nagkaroon ng launching ang HWPL Peace Academy sa CCSPC. Isa ang CCSPC sa napiling paaralan nailunsad ang HWPL Peace Academy.

Samantala, nilagdaan ng HWPL  Peace Academy resolusyon sa pagitan ng Chairman ng HWPL at ang CCSPC  na pinangunahan ni Dr Bantala.

Ginanap din sa naturang programa ang unveiling ng template ng HWPL Peace Academy kasama ang CCSPC  bilang tanda ng kapayapaan.

, , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Leave your opinion here. Please be nice. Your Email address will be kept private.