Islamic awareness forum ginanap sa Upi, Maguindanao

Nuro, Upi, Maguindanao – Nagsagawa ng Islamic awareness forum on current issues ang Upi Muslim Consultative Assembly sa pakikipagtulongan ng Federation of Bangsamoro Civil Society Organization (FBCSO) at ng Upi Agricultural School-PTIA ngayong araw, ika 28 ng Setyembre, sa bayan ng Nuro, Upi, Maguindanao.

Aktibong lumahok sa naturang pagtitipon ang mahigit isang daan myembro ng Muslim Youth Fellowship, at ilan sa mga empleyado ng UAS-PTIA kabilang rito ang Vocational School Administrator II sa pagkatao ni Engr. Sukarno B. Datukan, Ph.D.

Naging sentro ng talakayan ang mga pamamaraan upang mas lalong tumibay ang pananampalataya sa nag- iisang Diyos. Ayon sa nagsilbing resource speaker na si Shiek Abdulhadie Gumander, isang kilalang mangangaral ng Islam, ang “pagkakaisa” at “paggawa ng sapat lamang” (in moderation) ang susi upang mapagtibay ng bawat isa ang kanyang pananampalataya.

Nagbabala din si Shiek Gumander lalo na sa mga kabataang patungkol sa usaping malawakang pagrerecruit ng grupong labag sa alituntunin ng Islam. Kailangan diumanong maging maalam tungkol sa relihiyong Islam upang di basta-basta mapaniwala sa mga taliwas na doktrina na ikinakalat ng naturang “radical groups”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *