Islamic Literary Contest Tampok sa Summer Fest 2015

HMA 05.14.2015

By: Mohammad Hattah Bilon

Cotabato City—Tampok sa Summer Fest 2015 na ginanap sa Cotabato City State Polytechnic College Mini Park sa Cotabato City ang isang Islamic Literary Contest nitong Mayo 8, 2015.

 Ang Islamic Literary Contest na isa sa mga aktibidad ng Summer Fest 2015 ay pinangunahan ng College of Education Student Organization-Islamic Committee sa tulong ng Bachelor of Science in Islamic Education-Student Organization.

 Ang mga patimpalak ay kinabibilangan ng pagtawag ng azan, pagbasa ng banal na Qur’an, arabic spelling, arranging arabic alphabet at Islamic quiz bee.

 Limang grupo ang lumahok sa naturang kompetisyon na mag-aaral sa College of Education.

 Ang mga Arabic/Islamic Instructors ng CCSPC naman ang tumayong board of judges.

 Ayon kay Utadz Abdulmonaim Ebrahim, dating adviser ng BSIE-SO, sa kanyang pagbigay ng mensahe sa naturang aktibidad, di lamang tatanghalin kung sino ang mananalo sa patimpalak bagkos ang pinakamalking gantimpala ay ‘ibadah’ o pananampalatya sa Allah.

 Sinabi ni CCSPC-BSIE chairman Ustadz Saudi Abubakar, “ang naturang aktibidad ay isang ‘dawah’ sapagkat maraming kaalaman tungkol sa Islam ang natututunan dito at higit sa lahat mapananatili ang pagkakaisa ng bawat isa.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *