Wikang Arabic, madaling matutunan gamit ang TPI

Wikang Arabic, madaling matutunan gamit ang TPI

Cotabato City—Naging mapalad ang mga piling Ustadz ng Arabic and Islamic Values Education (ALIVE) mula sa siyam (9) na sangay ng DepEd, Region XII dahil sa pagsasanay na ginanap sa Conference Hall ng ng Cotabato City noong ika-23 ng Enero, 2016.

Ito ay isang paraan ng pagtuturo ng wikang Arabic na gamit ang estratehiyang Total Physical Interaction (TPI). Ang nagturo nito ay si Ustadz Hadji Radzi Abdul Rashid, mula sa bansang Malaysia. Kasama niya ang pangulo ng Action Caring Team (ACT) ng Malaysia Datu Mustafah Kamal Bin Mohammad Zaini.

Ayon kay Rashid ang wikang Arabic ay dapat matutuhan ng lahat ng mga Muslim dahil ang Qur’an ang pinanggalingan ng mga katuruan at ito ay wikang Arabo. Kaya naman ang ACT Malaysia ay ibinahagi nila ang TPI, pamamaraan ng pagtuturo ng wikang Arabo na madaling matutunan.

Ang pagtuturo gamit ang TPI ay mula kay   Dr Abdullazeez Abdulraheem, kasalukuyang Director ng Understand Al-Qur’an Academy, Hyderabad, India.

Sinabi ni Dr Albaya G. Badrodin, ALIVE Coordinator ng sangay ng Lundsod ng Cotabato ay ang kaalaman na ito ay ibabahagi sa mga Ustadz na nagtuturo ng ALIVE.

Ayon naman kay Regan B. Dagadas, ALIVE Coordinator ng Region XII, ito ay pagsusumikapan nilang gawin sa national level ang paggamit ng TPI kaya ang lahat ng Ustadz o Asaatiz ng ALIVE ay dadaan sa pagsasanay gamit ang TPI na paraan ng pagtuturo sa wikang Arabic.

, ,

No comments yet.

Leave a Reply

Leave your opinion here. Please be nice. Your Email address will be kept private.