Bakwit sa Maguindanao tumaas ang bilang, ayon sa ARMM HEART

bakwit 2
photo by Abdulsalam Antao, HMA

Cotabato City — Naitala ng tanggapan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao-Humanitarian Emergency Action and Response Team (ARMM-HEART) ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bakwit sa Maguindanao.

Ayon sa ulat ng ARMM-HEART noong March 19, umabot na sa 125,302 indibidwal ang naglikas mula sa labing-walong munisipyo ng Maguindanao na apektado ng “all-out offensive” ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang open siba ay inanunsyo ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang noong February 25 matapos ang madugong encounter ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), mula sa pagtugis ng mga ito sa tinatawag na teroristang si Zulkifli Bin Hiralyas Marwan sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25.

Bakwit
photo by Abdulsalam Antao, HMA

Sa Tatlumpot-Anim na munisipyo ng Maguindanao, Labing-lima naman dito ang naapektuhan ng opensiba ng militar upang mapilitang lumikas ang mga residente.

Ang mga lugar na apektado sa probinsya ng Maguindanao ay ang mga sumusunod:

1. Datu Saudi Ampatuan (3,459 families/17,295 persons);
2. Shariff Aguak (2,576 families/13,870 persons);
3. Shariff Saydona Mustapha (2,670 families/13,350 persons);
4. Mamasapano (2,637 families/13,185 persons);
5. Datu Salibo (2,576 families/12,880 persons);
6. Talayan (2,358 families/11,790 persons);
7. Talitay(2,218 families/11,090 persons);
8. Datu Unsay (1,808 families/9,040 persons);
9. Datu Anggal Midtimbang (1,791 families/8,955 persons);
10. Guindulungan (1,160 families/5,800 persons);
11. Rajah Buayan (555 families/2,775 persons);
12. Datu Piang (553 families/2,765 persons);
13. Datu Abdullah Sangki (319 families/1,595 persons);
14. Datu Odin Sinsuat (110 families/550 persons); at
15. Datu Hoffer (79 families/362 persons).

Ayon sa ulat ng tanggapan ng United Nations High Commissioner on Refugees (UNHRC) Philippines, katuwang ang Protection Cluster Philippines at Department of Social Welfare and Development (DSWD); nag bakwit ang mga residente dahil sa takot na matamaan ng ligaw na bala sa isinagawang ground operations at air strikes ng militar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *