Homeland Media Agency website inilunsad

By: Edna Purong
Pormal na inilunsad ang Website ng Homeland Media Agency o HMA, isang multimedia agency na binubuo ng mga miyembrong propesyonal at baguhang manunulat na Moro at non-Moro mula sa iba’t-ibang sector ng gobyerno, grupo ng akademiya, religious at women’s organizations noong ika -18 ng Pebrero 2015 sa Pagana Kutawato Native Restaurant, Cotabato City.
“Ang HMA ay inurganisa noong 2010 at rehistrado sa Security and Exchange Commission o SEC noong ika-8 ng Pebrero 2011 na may layunin na ihatid o maghatid ng makabuluhan at totoong impormasyon tungkol samga pangyayaring nagaganap sa mga komunidad,” pahayag ng kalihim ng HMA na si Alih S. Anso.
Sinabi ni Abdullah Abdulmaguid, president ng HMA, “ang website na ito ay maglalaman ng mga impormasyon at balita tungkol sa mga pangyayari na nagaganap sa mga komunidad maging ito man ay pampulitika, pangkalakalan, pang-edukasyon at palakasan, pangkabuhayan, pangkalikasan, pangturismo at iba pa.”
Malaki ang pasasalamat ni Abdulmaguid sa lahat ng sumuporta sa HMA upang mailunsad ito.
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng ilang personalidad ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pangunguna ni Director Anwar Upahm ng ARMM-HELPS na siyang tumayong representante ni ARMM Governor Mujiv Hataman sa nasabing programa upang magbigay inspirasyon sa pamunuan ng HMA.
“Media ang tagapaghatid ng balita sa mga tao at karapatan nilang malaman ang katotohanan upang magkaroon ng hustisya at kapayapan,” buod ng mensahe ni Director Upahm sa HMA.
Dumalo rin bilang panauhing pandangal si Capt. Azan Adam ng International Monitoring Team (IMT).
Ang the Asia Foundation, BRAC Philippines, Health Organization for Mindanao, United Youth for Peace and Development, at iba pang mga organisasyon ay dumalo din sa programa.

One thought on “Homeland Media Agency website inilunsad

  • February 25, 2015 at 6:39 pm
    Permalink

    Alhamdulillah

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *